6,628 na mga estudyante, hindi pa nakatatanggap ng TES stipend dahil sa kabiguan ng ilang mga eskwelahan na magsumite ng requirements para sa students’ subsidy

Hindi pa rin nakatatanggap ng stipend sa ilalim ng Tertiary Education Subsidy (TES) ang nasa 6,628 na mga estudyante.

Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Prospero de Vera III, sunod-sunod ang tinanggap nilang reklamo mula sa mga magulang at estudyante na hindi pa nakatatanggap ng TES stipend.

Lumilitaw na 264 na mga kolehiyo at unibersidad ang hindi pa nagsusumite ng student billing sa Private Education Assistance Committee (PEAC).


Ang PEAC ang nagpo-proseso ng billing statements ng mga estudyante na nakapaloob sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Listahan 2.0 at sa mga estudyante na nasa mga lugar na walang public universities.

Pagkatapos ma-proseso, ieendorso ng CHED ang billing statements sa Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) para makakuha ng stipend ang mga benepisyaryo.

Karamihan sa mga Higher Education Institutions (HEIs) na ito ay nasa National Capital Region na may 59 na kolehiyo at unibersidad na karamihan ay malalaking eskwelahan.

Habang 44 ay nasa Southern Tagalog region at 39 sa Central Luzon.

Facebook Comments