669 cash for work beneficiaries, nakatanggap na ng sahod sa Navotas

Nakatanggap na ng kanilang sahod ang nasa 669 cash for work beneficiaries sa Lungsod ng Navotas.

Ang sweldong natanggap ng mga beneficiaries ay mula sa 10 araw na pagtatrabaho ng mga ito sa lungsod.

Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P4,000 o katumbas ng P400 kada araw na paghahanapbuhay.


Ang nasabing programang ay sa pangunguna na rin ng Department of Social Welfare and Development – National Capital Region (DSWD-NCR), Pamahalaang Lungsod ng Navotas, katuwang ang City Social Welfare and Development Office.

Samantala, 27 bereaved mothers naman at displaced workers ng syudad ang napili at nabigyan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng livelihood assistance o bigasan project.

Ang nasabing livelihood assistance ay malaking tulong para sa mga ina at nawalan ng trabaho ngayong pandemya.

Inaanyayahan naman ang mga Navoteños na palaging i-check ang kanilang Navotas Hanapbuhay Center para sa mga bagong assistance na maibibigay sa mga residente.

Facebook Comments