66TH ANNIVERSARY | Halos 400 katao naserbisyuhan ng RMN medical mission

Makati City – Umaabot na sa halos 400 katao ang nabigyan ng libreng serbisyo medikal kaugnay ng isinasagawang medical mission ng RMN DZXL kaugnay ng ika-66 na anibersaryo ngayong araw.

Nagsimula ang medical mission dakong alas 9 ng umaga at hanggang sa mga oras na ito ay parami pa rin ng parami ang pumipila para makapag-avail ng ibat-ibang medical services.

Sa panig ng Philippine Red Cross nakaka 65 indibidwal na silang nabibigyan ng libreng blood pressure.


73 katao na rin ang nabigyan ng libreng eye spa nerve therapy at back massage ng gentle hands.

38 ang nabigyan ng libreng gupit ng Ricky Reyes hair cutters.

Habang sa panig naman ng Office of the VP nakakamahigit 100 na ang nabibigyan ng checkup libreng gamot at nakapagbigay din sila ng libreng eye glasses sa unang 100 pasyente.

Mahigit 1000 unique toothpaste at shield soap din ang naipagkaloob sa mga nakiisa sa ating anibersaryo.

Nasa 140 naman ang nabigyan ng mga delata mula sa CDO.

Habang nasa 550 naman ang napakain ng libreng lugaw at itlog ng Villar Sipag Foundation.

Sa mga gusto pang humabol magtungo lamang sa 2nd floor ng Guadalupe Commercial building para sa ating medical mission hanggang ngayong alas tres ng hapon.

Facebook Comments