66TH ANNIVERSARY | Mahigit 60 na indibidwal, nag-apply sa job fair ng RMN

Makati City – Pumalo na sa 66 na indibidwal ang nag-apply sa inilunsad na job fair sa ika-66 na anibersaryo ng Radio Mindanao Network (RMN) na ginanap sa ika-4 na palapag sa Guadalupe Complex Makati City.

Ibat-ibang trabaho ang iniaalok ng 21 na mga employers para sa mga aplikanteng naghahanap ng trabaho gaya ng office staff, accounting staff, service crew, kitchen staff at iba pa sa local at abroad.

Malaking tulong ayon kay Annabelle Casumpang 42-anyos ang inialok ng RMN DZXL na trabaho para sa kanila na naghahanap ng mga naghahanap ng trabaho.


Umaasa si Casumpang na matatangap siya bilang food server upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Maagang pamasko aniya ito sa kanila ang ibinibigay na trabaho ng RMN DZXL na malaking tulong para sa kanilang mga ordinaryong mamamayan na naghahanap ng trabaho.

Facebook Comments