Minarkahan ni Foreign Affairs Secretary Enrique A. Manalo at Japanese Foreign Minister Hayashi Yoshimasa ang ika-66 na anibersaryong diplomatikong relasyon at ang ika-11 taon ng Strategic Partnership ng Pilipinas at bansang Japan.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nagkaroon ng introductory meeting via telephone sa ikalawang pagkakataon sina Secretary Manalo at Minister Hayashi ng Japan kung saan tinalakay ang mga priyoridad ng Pilipinas sa ilalim ng bagong administrasyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Kabilang sa mga tinalakay ang usapin sa enerhiya, agrikultura at food security gayundin ang regional at international issues sa pagitan ng dalawang bansa.
Facebook Comments