67 anyos na atleta, nagwagi ng apat na gintong medalya sa Singapore

Image via Facebook/Erlinda Lavandia

Hindi hadlang ang edad para magtagumpay.

Ito ang pinatunayan ni Erlinda Lavandia, 67 taong gulang, matapos maguwi ng apat na gintong medalya sa Singapore Masters Athletics 40th Anniversary Track and Field 2019 ngayong buwan.

Tinalo ng binansagang “Queen of Philippine Javelin” ang mga kahalok mula sa Singapore, Malaysia, at India sa mga sumusunod na paligsahan:


  • Javelin Throw – distance: 25.6 meters
  • Shotput – distance: 7.25 meters
  • Hammer Throw – distance: 20.8 meters
  • Discus Throw – distance: 18.99 meters

Tinanghal din si Lavandia bilang “Best Athlete of Field Events” sa buong Southeast Asia.

Naninirahan sa Baguio City si Lavandia at kasalukuyang consultant ng Philippine Sports Commission. Sa darating na Nobyembre, susubukan niya magbigay ng panibagong karangalan bilang kinatawan ng Pilipinas sa Asian Masters Athletics competition.

Facebook Comments