67-anyos na paulit-ulit na naghahain ng COC sa national position na si Victoriano Inte, muling naghain ng COC para sa pagkapresidente

Isang 67-anyos na paulit-ulit na kumakandidato sa national position ang muling naghain ng kaniyang Certificate of Candidacy (COC) sa pagkapresidente.

Mag-isang nagtungo sa Harbor Garden sa Sofitel si lolo Victoriano Inte na residente ng Pasay City.

Pangunahin sa plataporma ni Inte na tapusin ang laban sa pandemya upang ibangon ang ekonomiya ng bansa.


2016 nang mag-file si Inte ng COC para sa pagkasenador at noong 2019 na sa bandang huli ay idineklara siyang nuisance candidate.

Facebook Comments