
Lumagda sa kasunduan ang Department of Agriculture (DA) at Philippine Postal Corporation (PhilPost) para magtatag ng mga Kadiwa pop-up store sa mga post office sa bansa.
Layon nitong madala sa mas maraming Kadiwa store ang mga sariwa at abot kayang ani ng mga magsasaka.
Ayon kay PhilPost Postmaster General Luis Carlos, target nilang makapagtatag ng 67 pop-up stores sa mga post office sa Metro Manila ngayong taon.
Aminado naman si DA Sec. Francisco Tiu Laurel na hindi madaling magtatag ng Kadiwa ng Pangulo stores sa mahigit sanlibong post office dahil sa aniya’y logistical issues kaya’t hindi aniya sila makapagbibigay ng kongkretong timeline kung kailan malalagyan ng Kadiwa stores ang lahat ng post office sa buong bansa.
Facebook Comments