67 pang Katao sa Region 2, Positibo rin sa Coronavirus

391

*Cauayan City, Isabela- *Muling nakapagtala ng 67 na panibagong positibo sa COVID-19 ang lambak ng Cagayan.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2, mula sa 67 na new confirmed cases, labing walo (18) ang naitala mula sa probinsya ng Cagayan, apatnapu’t walo (48) sa Isabela, isa (1) sa Santiago City at isa (1) rin sa Nueva Vizcaya.


Kasabay ng pagkakatala ng mga panibagong nagpositibo, nakapag-ulat naman ang rehiyon ng 21 na bagong nakarekober sa COVID-19 kung saan pito (7) ay mula sa Cagayan, labing tatlo (13) sa Isabela at Isa (1) sa Santiago City.

Sa kasalukuyan, umakyat sa 551 ang total active cases sa Rehiyon dos at umabot naman sa bilang na 2,443 ang total confirmed cases sa rehiyon.

Mayroon namang 1, 856 na total recoveries at tatlumpu’t anim (36) na nasawi.

Facebook Comments