67% teaching at non-teaching personnel ng DepEd, nabakunahan na kontra COVID-19

Umabot na sa 67% ng mga teaching at non-teaching personnel ng Department of Education (DepEd) ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Ayon kay Education Bureau of Learner Support Services (BLSS) Director Lope Santos III, katumbas ito ng 627,778 kanilang empleyado kung saan 158,504 ang nakatanggap ng unang dose habang 469, 274 ang fully vaccinated.

Nasa 34.13% naman o 318, 205 personnel ng DepEd ang hindi pa nababakunahan kung saan 215, 966 ang nakaparehistro na sa pagbabakuna at 102, 239 ang hindi pa.


Nananatili naman sa 0.32 percent o 3, 432% ang hindi malaman kung nabakunahan na kontra COVID-19.

Tinatayang nasa 932, 396 teaching at non-teaching personnel ng DepEd.

Sa 100 pilot schools sa bansa na lumahok sa face-to-face classes, 80% na ng mga ito ang nabakunahan kontra COVID-19.

Facebook Comments