68-anyos, patay matapos mabangga ng sasakyan ng 2 beses

553

QUEENS, New York – Nasawi ang isang babae matapos mabangga ng sasakyan ng dalawang beses hindi kalayuan sa kanyang tahanan noong Biyernes, Enero 10.

Tumatawid daw noon ang biktimang si Yulan Lu sa 58th Road bandang alas 5:30 pm nang mabangga ng 2020 Chevrolet van, ang sasakyang minamaneho ni George Guzman, 33.


Agad na tumilapon ang biktima at sa kasamaang palad ay muli itong binangga ng kaparehong sasakyan ayon sa pulisya.

Naisugod pa si Lu sa ospital na agad idineklarang patay dahil sa tinamong trauma sa ulo at ilang parte ng kanyang katawan.

Hawak na ng awtoridad si Guzman habang patuloy na iniimbestigahan ang tunay na dahilan ng pagkasawi ng biktima.

Facebook Comments