Aabot sa 68 COVID-19 patients ang na-recruit para sumali sa randomized controlled clinical trial para malaman kung mabisa at ligtas gamitin ang herbal plant na Tawa-tawa bilang adjunctive coronavirus treatment para sa mild hanggang moderate cases.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, ang project team ay pangungunahan ni Dr. Philip Ian Padilla ng University of the Philippines (UP) Visayas.
Target ng 11-buwang pag-aaral ang nasa 280 participants.
Mula sa 68 participants, 66 ay mayroong mild case habang dalawa ang may moderate case ng COVID-19.
Ang UP Visayas at Corazon Locsin Memorial Hospital ay lumagda sa memorandum of agreement para sa proyekto.
Ang Tawa-tawa ay kilala bilang supplement laban sa dengue.