68 firecracker-related injuries sa buong bansa, naitala ng PNP; tinatayang mahigit P1.2-M ilegal na paputok, nakumpiska ng ahensya

Sa huling tala ng Philippine National Police (PNP) as of Disyembre 27, pasado alas-7 ng gabi, aabot na sa 68 firecracker-related injuries ang nairecord sa buong bansa.

Kung saan nasa mahigit 79,000 ilegal na paputok ang nakumpiska ng ahensya na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P1.2-M.

Ang nasabing mga nakumpiska ay nakuha sa mga pampublikong pamilihan, sa mga nagbebenta sa gilid ng kalsada at sa mga checkpoints .

Kaugnay nito, nasa kabuuang 765 firecracker zones (FC Zones) na ang itinalaga ng mga lokal na pamahalaan sa buong bansa kung saan nasa 1,655 PNP personnel ang idineploy para magmonitor sa mga ito.

Meron namang 741 Community Fireworks Display Areas (CFDAs) sa buong bansa na tatauhan ng 1,992 na mga personnel para sa ligtas at maregulate ang space sa publiko sa pagsalubong sa bagong taon.

Binigyang diin naman ni PNP Acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na ang pagpapaigting ng presensya ng kapulisan ay para mabigyan ng kapanatagan ang publiko sa pagdaos ng bagong taon.

Facebook Comments