68 milyong halaga ng Shabu nakumpiska sa isang poultry farm sa Lipa City Batangas

364

Narekober ng mga tauhan ng PNP Batangas at PDEA ang 68 milyong pisong halaga ng Shabu matapos salakayin ang isang poultry farm sa Brgy. San Francisco Lipa City Batangas kaninang ala-1:00 ng tanghali.

Ayon kay Batangas PNP Provincial Director Edwin Quilates, bitbit ang search warrant sinalakay nila ang lugar at narekober ang 10 kilo ng shabu nakalagay sa tea bag.


Naaresto rin ang caretaker ng poultry farm na si Eugene Fernandez na matagal rin under surveillance ng mga awtoridad bago ikinasa ang operasyon.

Sinabi ni Quilates ang poultry farm nito ang bagsakan ng droga mula Manila at Makati.

Narekober rin sa area ang kalibre 45 baril.

Sa ngayon inihahanda na ang mga dokumento sa pagsasampa ng kaso laban sa naarestong suspek.

 

Facebook Comments

From Advertisers