68% NA PAGTAAS NG MGA KASO NG HIV SA PANGASINAN, NAITALA

Ayon sa Department of Health, sumirit ng mahigit 500 porsyento ang bilang ng mga kaso ng HIV sa mga kabataang edad 15 hanggang 25.
Dahil dito, nananawagan si Health Secretary Teodoro Herbosa na ideklarang isang pambansang public health emergency ang lumalalang sitwasyon.
Babala ng kalihim — kung hindi ito maaaksyunan agad, mahigit 400,000 Pilipino ang posibleng mamuhay na may HIV sa mga susunod na taon.
Sa lalawigan ng Pangasinan, mula taong 2019 hanggang sa kasalukuyan, umakyat na sa 68% ang pagtaas ng mga kaso ng HIV — kung saan mahigit 300 pasyente ang kumpirmadong positibo, karamihan sa kanila ay kababaihan.
Kaugnay nito, muling nananawagan ang DOH at mga health advocates na magpatingin, magpa-test, at maging bukas sa tamang impormasyon tungkol sa HIV, upang mapigilan ang patuloy nitong pagkalat at maagang matugunan ang krisis. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments