
Patuloy na naka-monitor ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) sa mga lugar na lubhang maaapektuhan ng Bagyong Opong.
Naka-alerto ang mga tauhan upang mabilis na matugunan ang emergencies at agad makapag-deploy ng resources sa anumang sakuna na dala ng bagyo.
Sa ngayon ay nagpatupad na ang QC local government unit (LGU) ng preemptive evacuation sa mga lugar na madaling bahain sa lungsod.
Sa ngayon, nasa 6,821 na indibidwal o katumbas ng 1,849 na pamilya ang namamalagi sa 38 na evacuation centers sa 27 na barangay.
Pinakamaraming evacuees ang namamalagi sa San Francisco Elementary school ang nasa 1,113 na indibidwal o katumbas ng 298 na pamilya
Facebook Comments









