68K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA BUY-BUST SA URDANETA CITY

Humigit-kumulang ₱68,000 ang halaga ng hinihinalang shabu na nasamsam sa isang buy-bust operation noong Lunes, Disyembre 22, sa Urdaneta City.

Arestado ang isang 24-anyos na residente ng lungsod matapos ang operasyon ng Urdaneta City Police Station sa koordinasyon ng PDEA Region 1.

Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang pakete na may timbang na 10 gramo, ₱500 buy-bust money, at mga drug paraphernalia.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Isinagawa ang inventory at pagmamarka ng ebidensya sa mismong lugar sa presensya ng mga saksi at ng suspek, alinsunod sa batas.

Facebook Comments