Iginawad ng Department of Interior and Local Government-Isabela kasama si Isabela Governor Rodito Albano III, PNP, at Philippine Army ang tseke na nagkakahalaga ng P15,000 habang ang iba naman na sumuko ng high-powered firearms ay nakatanggap ng humigit-kumulang P500,000 sa ilalim ng firearm remuneration program.
Ayon kay BGen. Danilo Benavides, Brigade Commander ng 502nd Infantry Brigade, patunay lamang na hindi rebolusyon laban sa pamahalaan ang sagot sa mga hinaing ng dating mga rebelde kundi ang pakikiisa at pakikipagtulungan sa gobyerno na makamit ang inklusibong pag-unlad at pagpapayaman.
Samantala, sinabi ni MGen Laurence E Mina, Commander ng 5th Infantry Division na ang paggawad ng E-CLIP ay sa pamamagitan ng matagumpay na pagpapatupad ng Whole-of-Nation Approach to End Local Communist Armed Conflict.
Dagdag pa ng heneral, ang pagtutulungan ng bawat sektor ng pamahalaan ay katunayan ng tagumpay kontra insurhensiya. kung kaya hinimok nito ang mga natitira pang miyembro ng Communist Terrorist Group na ito na ang pagkakataon na magbalik-loob sa pamahalaan para makapagbagong buhay kasama ang kanilang pamilya.