Aabot sa 69 na indibidwal ang nasawi dahil sa heat wave sa Vancouver, Canada.
Ayon sa imbestigasyon ng awtoridad, bunsod ito ng climate change o pagpalit ng klima lalo na’t pabago-bago ng temperatura sa Canada.
Nitong Lunes, umabot sa 47.9 degrees Celsius ang init ng temperatura sa Lytton sa British Columbia.
Samantala, nagbabala naman ang US National Weather Service sa publiko na manatili sa mga malalamig at preskong lugar, iwasan ang mga mabibigat na aktibidad na nagpapapawis at uminom ng maraming tubig upang makaiwas sa heat stroke.
Facebook Comments