69 korporasyon, kinasuhan ng BIR dahil sa paggamit ng ghost receipts

Pormal nang sinampahan ng kasong kriminal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) ang 69 na korporasyon at mga opisyal nito sa ilalim ng Run After Fake Transactions Task Force ng BIR.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., kabilang sa mga natuklasang paglabag ng mga buyer at seller ay paggamit ng ghost receipts na nagresulta upang malugi ang gobyerno ng nasa P1.8 billion na buwis.

Ang mga buyer at seller ng ghost receipts ay mula sa iba’t ibang industriya gaya ng construction at hardware, marketing of goods, equipments, office supplies, automotive oil, trading of metals, contractor electrical at mechanical system, hotel, at mga serbisyo sa pagkain.


Sinabi pa ni Lumagui na ipinapakita nito ang lawak ng sindikatong dahil saklaw ang hanay ng mga industriya.

Facebook Comments