69% ng mga pinoy, gumagamit ng internet – survey

Tinatayang 63 % ng Filipino adults ang gumagamit na ng internet ayon sa survey ng Pulse Asia.

Sa nasabing porsyento, 59% dito ang gumagamit ng higit sa 1 beses kada araw, 22% naman ang nag-o-online ng isang beses sa isang araw; 13% ang gumagamit ng 2 hanggang 6 na beses sa isang linggo; 3% lamang ang isang beses sa isang linggo kung gumamit.

Lumabas din sa kaparehong survey na halos 99% ng mga internet users ang nagche-check ng kanilang social media; 53% ang gumagamit para magbasa, makinig o manood tungkol sa mga pelikula, recipes o balita tungkol sa kanilang paboritong celebrity.


Samantala, mayorya naman sa internet users ang may Facebook account; 57% ang may YouTube account; 17% ang may TikTok account; 14% ang may Instagram account at 8% lamang ang may Twitter account.

Facebook Comments