Umabot na sa 69% ng public utility vehicles (PUVs) ang pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bumiyahe sa Metro Manila.
Ayon kay LTFRB Chairperson Martin Delgra III, nasusunod pa rin ang timeline sa pagdaragdag ng bilang ng PUVs na pinapayagang bumiyahe sa kalsada, kabilang ang pagtataas ng passenger capacity.
Sabi ni Delgra na mas maraming PUVs pa ang papayagang bumiyahe sa susunod na dalawa hanggang tatlong linggo.
“But the other is also having that unit run on the road longer than they would want to or they would need to kasi nga walang kumpyansa sa pagpapatakbo,” ani Delgra.
Nitong Martes, pinayagan ng LTFRB na bumiyahe ang nasa 4,820 na public utility jeepneys (PUJs) sa 44 na karagdagang ruta sa Metro Manila.