Lumabas sa isang survey na mayorya ng mga Pilipino ay pabor na maibalik at gawing mandatory ang ROTC sa mga kabataan.
Sa Pulse Asia survey na kinomisyon ni Senate President Juan Miguel Zubiri, 69 percent ng mga Pilipino ang pabor na gawing mandatory ang ROTC.
Ginawa ang survey noong December 3 hanggang 7 noong nakaraang taon.
Sa dokumentong ibinahagi ni Zubiri, sa 69 percent na sang-ayon na ibalik ang ROTC, pinakamataas sa Mindanao na may 79 percent, sinundan ng Visayas na 74 percent, NCR na 67 percent at Luzon na 63 percent.
Samantala, 17 percent naman ang tutol na ibalik ang ROTC sa mga universities at colleges habang 14 percent naman ang undecided o hindi makapagdesisyon.
Sa darating na Mayo ay ipaprayoridad at isasalang na sa plenaryo ang panukalang Mandatory ROTC Bill at inaasahang pagtitibayin na ito sa lalong madaling panahon.