69 volcanic tremor o mahihinang pagyanig, naitala ng PHIVOLCS sa paligid ng Bulkang Taal

Umabot sa 69 na volcanic tremor o mahihinang pagyanig ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa paligid ng Bulkang Taal sa nakalipas na dalawang araw.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na ang mga madalas na pagyanig dito ay senyales ng pagkulo ng tubig at pag-akyat ng gas.

Nagbabala rin si Solidum na kahit wala sa ngayong nakikitang magma sa crater ng Taal Volcano ay posible pa rin ang phreatic eruption na kagaya ng nangyari noong Enero ng nakaraang taon.


Sa ngayon ay nananatili sa alert level 1 ang Bulkang Taal habang una nang ipinatupad kahapon ang forced evacuation para sa mga residenteng nakatira sa loob ng Taal Volcano Island.

Facebook Comments