6TH DISTRICT, BENEPISYARYO NG CASH FOR WORK PROGRAM,

Benepisyaryo ng Cash For Work Program ang mga residente mula sa Distrito Sais na nagmula sa mga bayan ng Asingan, Natividad, Sta. Maria, Tayug at Umingan.
Nasa higit isang libo ang napamahagian ng cash na nagmula naman sa Risk Resiliency Program-Climate Change Adaptation and Mitigation Disaster Risk Reduction (RRP-CCAM DRR) Cash for Work (CFW) Program bilang kapalit ng kanilang 10 araw na pagtatrabaho sa pamamagitan ng communal gardening.
Naging posible ang programang ito sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development-Field Office 1 (DSWD-Regional Field Office 1) sa pakikipagtulungan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Layunin naman ng Cash for Work Program na mabigyan ng pansamantalang pagkakakitaan para sa mga target beneficiary na kinabibilangan ng mga indibidwal na ang pamilya ay naghihikahos, mga walang trabaho, may kapansanan, senior citizens, solo parents, mga katutubo at ib pa.
Samantala, lahat ng benepisyaryo ay dumaan sa pagsusuri ng lokal na SWDO. |ifmnews
Facebook Comments