6TH DISTRICT POLICE STATIONS SA PANGASINAN, WAGI SA BELENISMO CONTEST 2025

Pinatunayan ng mga matitikas na kapulisan sa Pangasinan na hindi lamang paglaban sa krimen at pagpapanatili ng kaayusan sa komunidad ang kanilang kayang gawin nang sila ay nagkaisang gumawa ng mga malikhaing Belenismo para sa selebrasyon ng kapaskuhan ngayong taon.

Noong nakaraang December 4, 2025 ay opisyal na ginanap amg christmas lighting ng Pangasinan Police Provincial Office sa Lingayen, kung saan bumida rin ang mga Belenismo na gawa ng lahat ng himpilan mula sa anim na distrito ng Pangasinan.

Ito ay isang patimpalak para sa mga kapulisan taun-taon kung saan naipapakita nila ang kanilang pagkamalikhain na repleksyon din ng kanilang mabuting puso sa likod ng kanilang mga matikas na postura.

Ngayong taon, ang nakapag uwi ng kampyonato ay ang mga kapulisan ng 6th District na binubuo ng mga Municipal Police Stations ng mga bayan ng Rosales, Umingan, Asingan, Balungao, Natividad, San Manuel, San Nicolas, San Quintin, Tayug, at Sta. Maria.

Ngayong kapaskuhan nawa ay magsilbing paalala sa bawat isa ang mga ganitong Belenismo sa kung saan nagsimula ang tunay na diwa ng Pasko – Ang pagalala sa kapanganakan ng ating tunay na tagapagligtas, ang Panginoong Jesu Kristo.

Facebook Comments