Handa na ang mga elemento at mga opisyales ng 6th Infantry KAMPILAN Division sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
May naging direktiba na rin si 6th ID Commanding General MGen Arnel Dela Vega sa lahat ng kanyang mga commanders matapos ang isinagawang pagpupulong kasama ang mga COMELEC OFFICERS para mamentina ang katiwasayan sa kanyang nasasakupan sa naging panayam ng DXMY sa heneral.
Kaugnay nito patuloy ang apela ng heneral sa lahat na makiisa sa kanila para na rin sa kaayusan ng gagawing eleksyon.
Kaugnay nito nauna ng inihayag sa DXMY ni Maguindanao Election Officer Atty. Udtog Tago na inaasahang mga military ang magsisilbi sa gagawing eleksyon sa bayan ng Talitay, sa isang Baranggay ng Parang at South Upi.
Simula bukas ay inaasahang dadagsa na sa mga Comelec Offices ang mga kandidatong mag pafile ng kani kanilang Certificate of Candidacy . Nauna na ring sinabi sa DXMY ni Director Ray Sumalipao ng COMELEC ARMM na tinatayang aabot sa 1.7 Million na mga botante ang inaasahang makikilahok sa darating na baranggay at SK election sa buong rehiyon, habang nasa 700 hanggang 800 libo rito ay magmumula sa Maguindanao.
GOOGLE PIC