6th ID nagpaabot ng tulong sa mga bakwit sa Liguasan Area

Magpapatuloy ang gagawing opensiba ng militar kontra mga teroristang grupo sa Liguwasan Area o Pawas Area , ito ang inihayag ni 6th ID DPAO Chief Army Capt. Arvin John Encinas sa panayam ng DXMY.

Layun nito ay upang tuldukan ang ginagawang pambubulabog , lalo na ang paghahasik ng kaguluhan ng mga itinuturing mga local terrorist sa ilalim ng AOR ng 6th Infantry Division dagdag ni Cpt. Encinas.

Wala rin aniyang time frame na ibinaba si BGen. Cirilito Sobejana para sa ginagawang Law Enforcement Operation kontra sa mga elemento ni Abu Turaife.


Matatandaang nagsimulang maglunsad ng opensiba ang militar sa pawas area noong June 10, na nagresulta sa pagkakasawi ng 20 mga BIFF at isang elemento ng 33rd IB maliban pa sa paglikas ng libong mga residente.

Kaugnay nito, bukod sa pagsuyod sa mga armado , nagpaabot naman ng tulong ang mga kasundaluhan sa mga naperwisyong residente. Kinabibilangan ito ng bigas at delata .
6th ID PIC

Facebook Comments