Lumahok sa isinagawang local absentee voting (LAV) na pinangasiwaan ito ng Commission on Elections (Comelec) ang kasundaluhan ng 6th Infantry Division na isinagawa mismo sa loob ng Camp Siongco, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao para sa May 13 mid-term elections.
Abot sa 539 mula sa 1,065 kasundaluhan ng 6th ID ang nag-apply para sa absentee voting ang lumahok sa LAV nitong Lunes
Ang tatlong araw na LAV ay nagsimula nitong Lunes at magtatapos ngayong araw na ito ng Miyerlukes, May 1.
Sinabi ni 6th Infantry Division Commander Maj. Gen. Cirilito Sobejana, ang voting ay isinasagawa sa iba’t-ibang areas na otorisado ng poll body.
Ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines ay pinahihintulutan ng COMELEC sa local absentee voting dahil marami sa kanila ay made-deploy para sa kanilang election-related duties at madedestino sa mga lugar kung saan hindi sila rehistradong botante.
6th ID nakiisa sa Local Absentee Voting
Facebook Comments