Naaresto ang isang 48-anyos na lalaki sa Laoag City sa ikinasang buy-bust operation ng Laoag City Police Station.
Sa koordinasyon sa PDEA Regional Office 1, nasamsam ang 7.2 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa anim na sachet at may standard drug price na ₱48,960.00.
Nasabat din ang 1.1 gramo ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng ₱500.00.
Bukod sa mga droga, narekober din ang iba’t ibang drug paraphernalia, ilang disposable lighters, dalawang cellphone, isang pouch na naglalaman ng ₱55.00, bubble wraps, aluminum foil, at ang ginamit na ₱1,000.00 buy-bust money.
Isinagawa ang inventory at pagmamarka ng lahat ng ebidensya sa lugar ng operasyon sa presensya ng mga mandatory witnesses at ng suspek, alinsunod sa itinakdang proseso ng batas.









