Hindi ramdam ng pangkaraniwang Pilipino ang naitalang 7.2% na paglago ng ekonomiya noong fourth quarter ng 2022.
Ayon sa Trade Union Congress of the Philippines, ang malinaw na ramdam ng mga pamilya ng mga minimum wage earners ay ang sumisipang presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Nanatiling nasa 8.1% ang inflation rate noong December 2022.
Nasa 10.2 percent ang galaw ng food inflation kung saan naitala sa 32.4% ang presyo ng mga gulay.
Giit ng TUCP, kung gusto ng gobyerno na maibsan ang bigat na pasanin ng mga mahihirap, dapat na tugisin nito ang mga agricutural smuggler, cartels at ang mga kasabwat nilang mga middlemen.
Dapat ding palawakin ang mga diskwento caravans o Kadiwa stores para mailapit sa mga mahihirap na komunidad ang mga murang pagkain.
Mungkahi pa ng grupo, dapat makapaglatag ang gobyerno ng komprehensibong agriculture raodmap upang malabanan ang agriculture hoarding at smuggling at direktang makonsulta ang mga stakeholder para sa pagpapalakas ng produksyon.