Aabot na sa 7.4 milyong benepisyaryo na naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang nakatanggap ng tulong pinansiyal.
Batay sa tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of the Interior and Local Government (DILG), kinabibilangan ito ng 7,470,149 low-income earners o 32.5 porsyento ng 22.9 milyong benepisyaryo.
Sa kabuuan, higit P7.47 bilyon na ang naipamahagi ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.
Pinakamaraming nakatanggap ng ayuda ang Metro Manila na nakapamahagi na ng 42 porsyento sa mga benepisyaryo.
Sinundan ito ng Bulacan na nakapamahagi na ng 22 porsyento sa mga low-income earners.
Facebook Comments