7.5 million pesos na halaga ng shabu, nasamsam sa air parcel sa Pasay

Nasamsam ng Bureau of Customs Port of NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ANG 1.1 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng ₱7,527,600.

Ang naturang illegal drugs ay nakita sa dalawang air parcels sa FedEx warehouse sa Pasay City.

Nabatid na ang nasabing cargo ay mula sa Malaysia at ideneklara itong “clothes slipper” at “clothes slipper junk food chip”.


Ang nasamsam na shabu ay nai-turn over na sa PDEA para sa case profiling at case build up laban sa mga nasa likod ng shipment.

Sila ay sasampahan ng mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002 at paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

Facebook Comments