Umabot na sa higit pitong milyong pamilyang Pilipino ang nakaranas ng gutom nitong Setyembre.
Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 7.6 million na pamilya ang nakaranas ng gutom o katumbas ng record-high na 30.7%.
Ayon sa SWS, ang involuntary hunger o nararanasang gutom dahil sa kawalan ng makakain sa nagdaang tatlong buwan ay tumaas ng 13 points lalo na sa mga walang trabaho o kabuhayan o nasa 38.3% nitong Setyembre.
Nasa 38.4% ang nakaranas ng gutom sa mga hindi pa nagkakaroon ng trabaho habang 24.3% naman sa mga employed.
Ang national mobile phone survey ay isinagawa mula September 17 hanggang September 20 sa 1,249 adult respondents sa pamamagitan ng mobile phone at computer-assisted telephone interview.
Facebook Comments