Umabot na sa higit pitong milyong pamilyang Pilipino ang nakaranas ng involuntary hunger sa nakalipas na tatlong buwan.
Ito ang record-high na lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Batay sa survey, umakyat sa 30.7% o tinatayang 7.6 million na pamilyang Pilipino ang nakaranas ng gutom dahil sa kawalan ng makakain.
Nahigitan na nito ang 23.8% na naitala ng SWS noong March 2012.
Kung hihimayin, 22.0% o 5.5 million families ang nakaranas ng Moderate Hunger o nakaranas ng gutom ng ilang beses lamang sa loob ng tatlong buwan, at 8.7% o 2.2 million families ang nakaranas ng Severe Hunger o madalas nakakaranas ng gutom.
Naitala ang pinakamataas na hunger rate sa Visayas na nasa 40.7% o 1.9 million families, kasunod ang Mindanao na nasa 37.5% o 2.1 million families.
Nasa 28.2% o 941,000 na pamilya ang naitala ngayong buwan sa Metro Manila habang nasa 23.8% o 2.6 million na pamilya sa Balance Luzon.
Mula noong May 2020, ang hunger trend ay patuloy ang pagtaas.
Ang survey ay isinagawa mula September 17 hanggang 20 sa 1,249 respondents sa pamamagitan ng mobile phone interviews.