Umabot na sa 7.6 milyon o katumbas ng one third ng sambahayan sa buong Pilipinas ang nakakaranas ng pagkagutom dahil sa pandemyang idinulot ng COVID-19.
Batay sa tala ng Pollster Social Weather Stations, simula nitong Mayo 2020, nakapagtala sila ng 2.2 milyong pamilyang nagugutom bawat sambahayan.
Habang tumatagal, patuloy anila itong tumataas hanggang sa malampasan ang record high noong 2012.
Base pa sa ng United Nationas (UN) Food and Agriculture Organization, magmula nang magsimula ang pandemya sa Pilipinas, kagutuman na ang pangunahing problema ng bansa kung saan aabot sa 59 milyong Pilipino ang “moderately o severely food insecure” noong taong 2017 hanggang 2019 na itinuturing na pinakamataas sa Southeast Asia.
Facebook Comments