7.7 billion pesos, nakalaan sa modernisasyon ng mga pasilidad sa 15 paliparan sa bansa ngayong taon

7.7 billion pesos sa ilalim ng 2025 national budget ang nakalaan sa modernisasyon ng mga pasilidad o imprastraktura ng 15 mga paliparan sa bansa.

Ayon kay Makati City Rep. Luis Campos Jr. na syang vice chairperson ng house committee on appropriations kabilang dito ang mga paliparan sa Tacloban, Pag-asa Island, Busuanga, Laoag, Bacon, Virac, Candon, Dumaguete, Camotes, Camiguin, Zamboanga, Central Mindanao, Bohol, Bukidnon at New Manila International Airport.

Ayon kay Campos, kabilang sa tutustusan ng pondo ang paglalagay, pagsasa-ayos at pagpapahusay ng mga runways, taxiways, ramps, control towers, passenger terminals, at navigational equipment ng mga paliparan.


Binanggit ni Campos na layunin nito na mapabuti ang pagbyahe ng mga pasahero ng eroplano, maka-akit ng mas maraming turista, masuportahan ang paglago ng mas maraming negosyo at makalikha ng mas maraming trabaho.

Facebook Comments