7.9 billion dollars emergency fund, hiniling ni US President Donald Trump para sa mga nasalanta ng hurricane Harvey

Amerika – Humiling si US President Donald Trump ng 7.9 Billion dollars emergency aid para sa isasagawang rehabilitation at recovery efforts ng pamahalaan sa mga lugar na binayo ng hurricane Harvey.

Ito ang inihayag ng pangulo sa muling pagbisita nito kasama ang asawang si melaniya sa Houston, Texas.

Una nang bumisita si Trump sa mga survivor sa Corpus Christi at Austin Texas pero hindi niya nakadaupang palad ang mga ito noong Martes.


Sa pagbisita ni Trump sa Houston, Texas, inilaan nito ang oras sa NRG Center, ang lugar kung saan nakalagi ang mga bata at masayang nakipagkwentuhan sa mga ito.

Matatandaang, unang ipinahayag ng pangulo na magbibigay siya ng 1 milyong dolyar mula sa sarili niyang bulsa para sa mga biktima ng bagyo.

Facebook Comments