7-anyos lalaki, patay sa saksak ng sariling kuya

643

TEXAS, United States — Arestado ang isang 21-anyos lalaki matapos umanong saksakin ang 7-anyos na kapatid sa ‘di pa natutukoy na dahilan.


Kinilala ng Hamilton City Police Department ang nasawi na si Jacob Gabriel Brito, at suspek na kapatid nitong si Isidro Brito Bruno.

Batay sa awtoridad, dakong 9:45 p.m noong Agosto 1 nang rumesponde sila sa ulat ng nangyaring saksakan sa bahay ng magkapatid.

Naisugod pa sa ospital ang paslit, subalit binawian din ng buhay kalaunan.

Habang si Brito Bruno naman ay nadatnang may sugat sa itaas na bahagi ng katawan, na ayon sa awtoridad ay siya rin ang gumawa.

Nasa kostudiya na ng pulisya ang suspek na sinampahan ng kasong capital murder, at pinatawan ng pyansang $250,000 (higit P12 milyon).

Hindi pa rin malinaw ang motibo sa nangyaring krimen.




Facebook Comments