7-anyos, patay habang isinasagawa ang operasyon sa pagtatanggal ng tonsils

(Photo: Unsplash)

South Carolina – Binawian ng buhay ang 7-anyos babae sa ospital isang minuto habang sumasailalim ito sa operasyon para tanggalin ang kanyang tonsils.

Nasa tonsillectomy surgery noong Biyernes ang batang si Paisley Elizabeth Grace CogsdillĀ  sa Self Regional Hospital in Greenwood nang bigla umanong tumigil ang tibok ng kanyang puso ayon sa report ng WHNS.

Kwento ng lola ni Elizabeth na si Mary Beth Truelock, masaya pa raw ang kanyang apo bago isagawa ang naturang operasyon.


ā€œGoing into surgery, she had no fear. She was smiling and happy. Nothing was wrong. She had no fear,ā€ aniya.

Wala rin daw silang nakikitang problema sa kalusugan ng bata.

Samantala, labis naman ang pangungulila ng pamilya ni Elizabeth sa nangyari at patuloy na naghihintay sa resulta ng awtopsiya nito.

Wala namang inilabas na pahayag ang ospital sa nangyari.

Facebook Comments