Isinailalim ng Quezon City (QC) disaster risk reduction and management council sa four-day first emergency responders training ang 7 barangay mula sa 142 barangay ng lungsod Quezon.
Ayon sa QC Local Government Unit (LGU), layon ng nasabing pagsasanay na paigtingin at palakasin ang emergency preparedness ng bawat komunidad bilang kahandaan sa pagkakaroon ng incident o iba’t ibang sakuna.
Itinuro sa mga miyembro ng barangay health emergency response team ang pangangalaga at pagbibigay ng first aid o paggamot sa biktima.
Sumailalim din sila sa communication skills, patient transport at pagkuha ng mga detalye sa pagkilala ng mga biktima.
Ang pagsasanay ay isinagawa sa regional evacuation and training center ng Brgy. West Fairview.
Kabilang sa mga barangay na lumahok ang North Fairview, Horseshoe, Kalusugan, Mariana, Laging Handa, Loyola Heights, Kaunlaran, at Don Manuel.