Mahigpit na binabantayan ngayon ng Philippine Coast Guard ang pitong cruise ship na pawang nakadaong sa Manila Bay.
Kabilang sa mga barkong nakadaong ngayon sa Manila Bay ang Carnival Spirit, Sapphire Princess, Voyager of the Seas, MV Cunard Princess at tatlong iba pa.
Ang nasabing mga cruise ship ay may lulang Filipino seafarers at nakatakdang bumaba ng barko.
Ayon sa Philippine Coast Guard, batay sa health protocols, mananatiling ang mga Pinoy crew sa mga barko hangga sila ay ibibiyahe patungo sa quarantine facility kung saan sila sasailalim sa mandatory 14-day na quarantine.
Tinatayang 428 na Pinoy crew ang nauna nang nakababa mula sa isa sa mga cruise ship nitong nagdaang weekend.
Facebook Comments