Batay sa assessment ng Directorate for Intelligence (DI) ng PNP, kabilang sa mga bayan na nasa red areas ang Amulung, Baggao, Buguey, Enrile, Rizal, Penablañca at Tuao, Cagayan.
Ayon kay Cagayan PPO Director PCol. Renell Sabaldica, idineploy na ang mga PNP personnel sa mga nabanggit na lugar kung saan mainit ang labanan ng mga kumakandidato, at naitalang election-related and violent incidents sa nakalipas na eleksyon maging ang banta ng pag-atake ng Communist Terrorist Group.
Binigyang diin din ng opisyal na may karagdagang pwersa mula sa PNP-Special Action Force, Armed Forces of the Philippines, at iba pang law enforcement agencies, force multipliers upang magbigay ng karagdagang seguridad sa mismong araw ng halalan.
Dagdag pa niya, nagdeploy na rin ng karagdagang personnel sa iba’t ibat munisipalidad na magmamando sa seguridad ng mga polling places.