Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 7 beses na pagyaning sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.
Batay sa abiso ng PHIVOLCS, bahagya ring nagbuga ng abo ang bulkan.
Dahil dito, itinaas ng PHIVOLCS ang Alert Level 1 sa bulkan kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang paglapit sa Permanent Danger Zone (PDZ) nito.
Pinayuhan na rin ng ahensya ang Civil Aviation Authorities na huwag padaanin ang mga sasakyan panghipampapawid malapit sa bunganga ng bulkan.
Inabisuhan na rin ng PHIVOLCS ang mga local government units (LGUs) na malapit sa Taal Volcano na maging alerto at bantayan ang mga update ng ahensya ukol sa aktibidad ng naturang bulkan.
Facebook Comments