Manila, Philippines – Maglalaan ang gobyerno ng pitong bilyong piso sa susunod na taon para tiyakin na may sapat na stockpile ng bigas ang bansa.
Paliwanag ni House Good Government Committee Chairman Johnny Pimentel, gagamitin ng National Food Authority ang halagang ito para sa pagbili ng palay na ani ng mga magsasaka.
Sa kabuuan, halos 400,000 metric tons ang mabibili ng NFA gamit ang subsidiyang ito sa halagang 18 pesos per kilo mula sa mga lokal na magsasaka.
Ang hakbang na ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Duterte sa NFA na palakasin ang pamimili ng palay na ani sa bansa bilang tulong sa mga magsasaka.
Sa ilalim ng mandato ng NFA, gagawing 30 days ang rice reserve lalo na sa panahon ng kalamidad.
Sa kabila naman ng pagpopondo para sa pagbili ng lokal na ani, ang NFA ay target pa din mag-angkat ng mahigit 580,000 metric tons sa susunod na taon.