
Kanselado ang pitong biyahe patungong Visayas at Mindanao ngayong araw, ito’y dahil sa masamang panahon dulot ng Bagyong Ada.
Ayon sa pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange PITX, kanselado ang biyahe ng bus company na Silver Star na may rutang Tacloban, Biliran at Liloan
Davao Metro Shuttle na may rutang Davao at Tagum City at CUL na may rutang Liloan, Leyte, inabisuhan naman ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang mga bus company para sa rebooking o refund ng kanilang pamasahe.
Facebook Comments










