7 Business establishment sa Region 12 pinasara ng  BIR

General Santos City—Pinasara ng Bureau of Internal Revenue o BIR ang pitong business establishment sa region 12 dahil sa paglabag sa internal revenue code.

Kabilang sa mga pinasara ang limang  branches ng TLG Merchandising store at dalawa pang business Establishment sa Gensan at sa Koronadal City.

Ayon kay OIC Revenue District Officer Evelyn Mallillin,  isa sa mga naging dahilan nito ay  under declaration ng kanilang mga sales.


Nilinaw naman ni Mallilin na agad namang mabubuksan ang nasabing mga business establishement sakaling maresolba ng mga  may-ari nito ang kanilang obligasyon.

Sa panayan ng DXMD RMN Gensan News Team sa may ary ng TLG Shoppers na si Tammy Go sinabi nito na kanilang isettle ang kanilang problema sa BIR.

Ayon sa kanya hindi nya alam na may problema sila sa BIR dahil ang book keeper ng kanilang kumpanya ang nag-aasikaso nito.

Siniguro naman nito na kanila itong tutukan para mabuksan ang kanilang mga tinahan dahil hindi lang sila apektado ng pagsara ng kanilang mga tindahan kondi pati narin ang kanilang mga empleyado.

 

 

 

 

Facebook Comments