7 DAILY AVERAGE CASES NG COVID 19 SA PANGASINAN, DUMOBLE PA

Kung dati ay nasa anim na kaso ng COVID-19 ang naitatala kada araw sa Pangasinan, umakyat na ito sa 13 kaso kada araw, base sa inilabas na datos ng Provincial Health Office.
Ayon sa datos, nasa 84 ang kabuuang aktibong kaso ng nakakahawang sakit sa probinsiya matapos maitala ang karagdagang 18.
Nangunguna ang bayan ng Malasiqui sa binabantayan ng kagawaran matapos makapagtala ng 11 kaso, sinusundan ng Bugallon na nasa siyam na kaso at Calasiao na mayroong tatlong kaso.

Samantala, muling nanawagan ang otoridad na huwag maging kampante dahil sa mayroong mga bagong variant ng sakit ang naitala sa Pangasinan. | ifmnews
Facebook Comments