7-DAY SUSPENSION SA PAG-AAYOS SA MGA KAKALSADAHAN SA LA UNION, PANUKALANG IPATUPAD NGAYONG UNDAS

Umaapela ang isang mambabatas sa La Union na pansamantalang itigil sa loob ng pitong araw ang mga proyektong pagsasaayos ng kakalsadahan na sakop ng Manila North Road sa lalawigan upang bigyang-daan ang kaluwagan ng kalsada para sa mga magsisiuwi ngayong Undas.

Layunin ng panukala na gawing malaya sa road obstruction upang maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko at posibleng aksidente sa mga motorista at biyahero.

Target na maipatupad ang suspension dalawang araw bago at pagkatapos ng All Saint’s at All Soul’s Day.

Inihain ng mambabatas ang resolusyon bilang batayan sa mungkahi na ipapasa sa Department of Public Works and Highways Region 1. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments