7-days paid bereavement leave para sa lahat ng mga empleyado, isinusulong sa Kamara

Isinulong ni Quezon City Rep. Marvin Rillo na mabigyan ng isang linggong bereavement leave benefits ang lahat ng mga empleyado sa pampubliko o pribadong sektor.

Nakapaloob ito sa House Bill 4340 na inihain ni Rillo para sa mga empleyado na may pumanaw na asawa, magulang, anak at kapatid.

Paliwanag ni Rillo, ang pagpanaw ng mahal sa buhay ay nagdudulot ng physical, emotional and psychological burden.


Kaya giit ni Rillo, dapat magkaroon ng pagkakataon na magpahinga sa trabaho ang isang empleyado upang makapagluksa at magkaroon ng sapat na panahon para maasikaso ang pagpapalibing sa yumaong kapamilya.

Sa ilalim ng panukala, ang bereavement leave ay dagdag sa lahat ng paid leave benefits na tinatanggap na ng mga empleyado sa ngayon.

Sakaling maisabatas, ang mga lalabag ay makukulong sa loob ng 30 araw at pagmumultahin ng 20-thousand pesos.

Facebook Comments